25Pinabayaan ko silang sundin ang mga utos at mga tuntuning hindi mabuti at hindi makapagbibigay ng magandang buhay.
26Pinabayaan ko silang dungisan ang mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahandog sa mga diyos-diyosan pati na ang paghahandog ng kanilang mga panganay na lalaki. Pinayagan ko ito upang mangilabot sila at malaman nilang ako ang Panginoon.
27“Kaya anak ng tao, sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi: Ang inyong mga ninuno ay patuloy na lumapastangan at nagtaksil sa akin.
28Sapagkat nang dalhin ko sila sa lupaing ipinangako ko sa kanila, nag-alay sila ng mga handog, mga mababangong samyo at mga inumin sa matataas na lugar at malalagong punongkahoy. Kaya nagalit ako sa kanila.
29Tinanong ko sila, ‘Ano iyang matataas na lugar na pinupuntahan ninyo?’ ” Ang sagot nila, “Bama.” (Hanggang ngayon, Bama ang tawag sa matataas na lugar na iyon.)