Ezekiel 20

Sapagkat nang dalhin ko sila sa lupaing ipinangako ko sa kanila, nag-alay sila ng mga handog, mga mababangong samyo at mga inumin sa matataas na lugar at malalagong punongkahoy. Kaya nagalit ako sa kanila.

Ezekiel 20:28 (UKJV) For when I had brought them into the land, for the which I lifted up mine hand to give it to them, then they saw every high hill, and all the thick trees, and they offered there their sacrifices, and there they presented the provocation of their offering: there also they made their sweet savour, and poured out there their drink offerings.

26Pinabayaan ko silang dungisan ang mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahandog sa mga diyos-diyosan pati na ang paghahandog ng kanilang mga panganay na lalaki. Pinayagan ko ito upang mangilabot sila at malaman nilang ako ang Panginoon.

27“Kaya anak ng tao, sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi: Ang inyong mga ninuno ay patuloy na lumapastangan at nagtaksil sa akin.

28Sapagkat nang dalhin ko sila sa lupaing ipinangako ko sa kanila, nag-alay sila ng mga handog, mga mababangong samyo at mga inumin sa matataas na lugar at malalagong punongkahoy. Kaya nagalit ako sa kanila.

29Tinanong ko sila, ‘Ano iyang matataas na lugar na pinupuntahan ninyo?’ ” Ang sagot nila, “Bama.” (Hanggang ngayon, Bama ang tawag sa matataas na lugar na iyon.)

30“Sabihin mo ngayon sa mga mamamayan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Dudungisan din ba ninyo ang inyong sarili gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno at sasamba rin ba kayo sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.