Ezekiel 20

“Sabihin mo ngayon sa mga mamamayan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Dudungisan din ba ninyo ang inyong sarili gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno at sasamba rin ba kayo sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan?

Ezekiel 20:30 (UKJV) Wherefore say unto the house of Israel, Thus says the Lord GOD; Are all of you polluted after the manner of your fathers? and commit all of you whoredom after their abominations?

28Sapagkat nang dalhin ko sila sa lupaing ipinangako ko sa kanila, nag-alay sila ng mga handog, mga mababangong samyo at mga inumin sa matataas na lugar at malalagong punongkahoy. Kaya nagalit ako sa kanila.

29Tinanong ko sila, ‘Ano iyang matataas na lugar na pinupuntahan ninyo?’ ” Ang sagot nila, “Bama.” (Hanggang ngayon, Bama ang tawag sa matataas na lugar na iyon.)

30“Sabihin mo ngayon sa mga mamamayan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Dudungisan din ba ninyo ang inyong sarili gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno at sasamba rin ba kayo sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan?

31Ngayon nga ay dinudumihan ninyo ang inyong sarili sa pamamagitan ng paghahandog sa mga diyos-diyosan pati na ang paghahandog ninyo ng inyong mga anak na lalaki bilang handog na sinusunog. Kaya mga mamamayan ng Israel, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay hindi magbibigay ng payo sa inyo kahit humingi kayo sa akin.

32“Hinding-hindi mangyayari ang iniisip ninyo. Hindi kayo magiging katulad ng mga bansa na ang mga mamamayan ay sumasamba sa mga diyos-diyosang gawa sa bato at kahoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.