30“Sabihin mo ngayon sa mga mamamayan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Dudungisan din ba ninyo ang inyong sarili gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno at sasamba rin ba kayo sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan?
31Ngayon nga ay dinudumihan ninyo ang inyong sarili sa pamamagitan ng paghahandog sa mga diyos-diyosan pati na ang paghahandog ninyo ng inyong mga anak na lalaki bilang handog na sinusunog. Kaya mga mamamayan ng Israel, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay hindi magbibigay ng payo sa inyo kahit humingi kayo sa akin.
32“Hinding-hindi mangyayari ang iniisip ninyo. Hindi kayo magiging katulad ng mga bansa na ang mga mamamayan ay sumasamba sa mga diyos-diyosang gawa sa bato at kahoy.
33Ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang pamumunuan ko kayo nang may kapangyarihan at poot.
34Sa pamamagitan ng kapangyarihan ko at poot, kukunin ko kayo mula sa mga bansang pinangalatan ninyo,