35at dadalhin sa ilang na lugar ng mga bansa. At doon, haharapin ko kayo at hahatulan.
36Kung hinatulan ko ang inyong mga ninuno sa ilang ng Ehipto, hahatulan ko rin kayo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
37Susuriin ko kayo sa pagdaan ninyo sa ilalim ng aking tungkod at patitibayin ko ang kasunduan ko sa inyo.
38Ihihiwalay ko sa inyo ang mga naghimagsik sa akin. Kahit palabasin ko sila sa bansang bumihag sa kanila, hindi pa rin sila makakapasok sa lupain ng Israel. At malalaman ninyong ako nga ang Panginoon!”
39Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon sa mga mamamayan ng Israel, “Sige, magpatuloy kayong maglingkod sa mga diyos-diyosan kung ayaw ninyong sumunod sa akin. Ngunit darating ang araw na hindi na ninyo malalapastangan ang pangalan ko sa pamamagitan ng paghahandog sa inyong mga diyos-diyosan ninyo.