Ezekiel 20

Kung hinatulan ko ang inyong mga ninuno sa ilang ng Ehipto, hahatulan ko rin kayo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

Ezekiel 20:36 (UKJV) Like I pleaded with your fathers in the wilderness of the land of Egypt, so will I plead with you, says the Lord GOD.

34Sa pamamagitan ng kapangyarihan ko at poot, kukunin ko kayo mula sa mga bansang pinangalatan ninyo,

35at dadalhin sa ilang na lugar ng mga bansa. At doon, haharapin ko kayo at hahatulan.

36Kung hinatulan ko ang inyong mga ninuno sa ilang ng Ehipto, hahatulan ko rin kayo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

37Susuriin ko kayo sa pagdaan ninyo sa ilalim ng aking tungkod at patitibayin ko ang kasunduan ko sa inyo.

38Ihihiwalay ko sa inyo ang mga naghimagsik sa akin. Kahit palabasin ko sila sa bansang bumihag sa kanila, hindi pa rin sila makakapasok sa lupain ng Israel. At malalaman ninyong ako nga ang Panginoon!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.