5Sabihin mo sa kanila na ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Nang piliin ko ang Israel na lahi ni Jacob at ipakilala ang sarili ko sa kanila roon sa lupain ng Ehipto, sumumpa ako sa kanila na ako ang Panginoon na magiging Diyos nila.
6Isinumpa ko sa kanila na palalayain ko sila sa Ehipto at dadalhin sa lupaing pinili ko para sa kanila – isang maganda at masaganang lupain, ang lupaing pinakamaganda sa lahat.
7Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, ‘Itakwil na ninyo ang inyong mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan, huwag ninyong dungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan ng Ehipto, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.’
8“Ngunit nagrebelde sila at hindi nakinig sa akin. Hindi nila itinakwil ang kasuklam-suklam na diyos-diyosan ng Ehipto. Kaya sinabi kong ibubuhos ko ang matinding galit ko sa kanila roon sa Ehipto.
9Ngunit hindi ko ito ginawa, dahil ayaw kong malagay sa kahihiyan ang pangalan ko sa mga bansa sa palibot na nakaalam na inilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto.