Ezekiel 20

Sabihin mo sa kanila na ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Nang piliin ko ang Israel na lahi ni Jacob at ipakilala ang sarili ko sa kanila roon sa lupain ng Ehipto, sumumpa ako sa kanila na ako ang Panginoon na magiging Diyos nila.

Ezekiel 20:5 (UKJV) And say unto them, Thus says the Lord GOD; In the day when I chose Israel, and lifted up mine hand unto the seed of the house of Jacob, and made myself known unto them in the land of Egypt, when I lifted up mine hand unto them, saying, I am the LORD your God;

3“Anak ng tao, sabihin mo sa mga pinuno ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagtatanong, ‘Pumarito ba kayo upang humingi ng payo sa akin?’ Ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi ako magbibigay ng payo sa kanila.

4“Anak ng tao, hatulan mo sila. Ipamukha sa kanila ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa ng mga ninuno nila.

5Sabihin mo sa kanila na ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Nang piliin ko ang Israel na lahi ni Jacob at ipakilala ang sarili ko sa kanila roon sa lupain ng Ehipto, sumumpa ako sa kanila na ako ang Panginoon na magiging Diyos nila.

6Isinumpa ko sa kanila na palalayain ko sila sa Ehipto at dadalhin sa lupaing pinili ko para sa kanila – isang maganda at masaganang lupain, ang lupaing pinakamaganda sa lahat.

7Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, ‘Itakwil na ninyo ang inyong mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan, huwag ninyong dungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan ng Ehipto, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.