1Nang ikasampung araw ng ikalimang buwan, nang ikapitong taon ng aming pagkabihag, may ilang pinuno ng Israel na lumapit sa akin upang humingi ng payo mula sa Panginoon.
2Sinabi sa akin ng Panginoon,
3“Anak ng tao, sabihin mo sa mga pinuno ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagtatanong, ‘Pumarito ba kayo upang humingi ng payo sa akin?’ Ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi ako magbibigay ng payo sa kanila.
4“Anak ng tao, hatulan mo sila. Ipamukha sa kanila ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa ng mga ninuno nila.
5Sabihin mo sa kanila na ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Nang piliin ko ang Israel na lahi ni Jacob at ipakilala ang sarili ko sa kanila roon sa lupain ng Ehipto, sumumpa ako sa kanila na ako ang Panginoon na magiging Diyos nila.