10Pinakintab ko ito nang husto upang kuminang na parang kidlat. “ ‘Ngayon, matutuwa pa ba kayo? Kukutyain pa ba ninyo ang mga turo at pagdidisiplina ko sa inyo?
11Hinasa ko naʼt pinakintab ang espada, at nakahanda na itong gamitin sa pagpatay.
12Anak ng tao, umiyak ka nang malakas at dagukan mo ang iyong dibdib dahil ang espadang iyon ang papatay sa mga mamamayan kong Israel, pati na sa kanilang mga pinuno.
13“ ‘Isang pagsubok ito sa mga mamamayan ko. Huwag nilang iisipin na hindi ko gagawin ang pagdidisiplinang ito na kinukutya nila, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.’
14Kaya, anak ng tao, sabihin mo ang ipinasasabi ko sa iyo. Isuntok mo ang iyong kamao sa iyong palad sa galit, at kumuha ka ng espada at itaga ito ng dalawa o tatlong ulit. Ito ang tanda na marami sa kanila ang mamamatay sa digmaan.