Ezekiel 21

“Anak ng tao, humarap ka sa Jerusalem at magpropesiya ka laban sa Israel at sa mga sambahan nito.

Ezekiel 21:2 (UKJV) Son of man, set your face toward Jerusalem, and drop your word toward the holy places, and prophesy against the land of Israel,

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, humarap ka sa Jerusalem at magpropesiya ka laban sa Israel at sa mga sambahan nito.

3Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Kalaban ko kayo, mamamayan ng Israel! Bubunutin ko ang aking espada at papatayin ko kayong lahat, mabuti man o masama.

4Oo, papatayin ko kayong lahat, matuwid man o masama, mula sa timog hanggang sa hilaga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.