15Ikakalat ko kayo sa ibaʼt ibang bansa at patitigilin ko ang mga ginagawa ninyo na nagpaparumi sa inyo.
16Lalapastanganin kayo ng mga taga-ibang bansa at malalaman ninyo na ako ang Panginoon.’ ”
17Sinabi rin sa akin ng Panginoon,
18“Anak ng tao, ang mga mamamayan ng Israel ay wala nang halaga sa akin. Tulad sila ng sari-saring latak ng tanso, lata, bakal at tingga na naiwan pagkatapos dalisayin ang pilak sa hurno.
19Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Sapagkat wala kayong kabuluhan, titipunin ko kayo sa Jerusalem,