17Sinabi rin sa akin ng Panginoon,
18“Anak ng tao, ang mga mamamayan ng Israel ay wala nang halaga sa akin. Tulad sila ng sari-saring latak ng tanso, lata, bakal at tingga na naiwan pagkatapos dalisayin ang pilak sa hurno.
19Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Sapagkat wala kayong kabuluhan, titipunin ko kayo sa Jerusalem,
20katulad ng taong nagtitipon ng pilak, tanso, bakal, tingga at lata sa nagniningas na hurno upang tunawin. Titipunin ko kayo sa Jerusalem upang ibuhos sa inyo ang galit ko at doon ko kayo parurusahan na parang mga metal na tinutunaw.