Ezekiel 22

Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: ‘O lungsod ng mga kriminal, darating na sa iyo ang kapahamakan. Dinudungisan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga diyos-diyosan.

Ezekiel 22:3 (UKJV) Then say you, Thus says the Lord GOD, The city sheds blood in the midst of it, that her time may come, and makes idols against herself to defile herself.

1Sinabi sa akin ng Panginoon:

2“Anak ng tao, handa ka na bang hatulan ang Jerusalem? Handa ka na bang humatol sa lungsod na ito ng mga kriminal? Ipaalam mo sa kanya ang kasuklam-suklam niyang gawain.

3Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: ‘O lungsod ng mga kriminal, darating na sa iyo ang kapahamakan. Dinudungisan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga diyos-diyosan.

4Mananagot ka dahil sa mga pagpatay mo at dahil dinungisan mo ang iyong sarili sa paggawa ng mga diyos-diyosan. Dumating na ang iyong wakas. Kaya pagtatawanan ka at kukutyain ng mga bansa.

5O lungsod na sikat sa kasamaan at kaguluhan, kukutyain ka ng mga bansa, malayo man o malapit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.