5O lungsod na sikat sa kasamaan at kaguluhan, kukutyain ka ng mga bansa, malayo man o malapit.
6“ ‘Tingnan mo ang mga pinuno ng Israel na nakatira sa iyo, ginagamit nila ang kapangyarihan nila sa mga pagpatay.
7Hindi na iginagalang ang mga magulang sa iyong lugar. Ang mga dayuhang naninirahan sa lugar moʼy kinikikilan, at ang mga biyuda at mga ulila ay hindi tinatrato nang mabuti.
8Hindi mo iginagalang ang mga bagay na itinuturing kong banal, pati ang Araw ng Pamamahinga na ipinatutupad ko sa iyo ay nilapastangan mo.
9May mga tao diyan na nagsisinungaling upang ipapatay ang iba. Mayroon ding kumakain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan sa sambahan sa mga bundok at gumagawa ng malalaswang gawain.