7Hindi na iginagalang ang mga magulang sa iyong lugar. Ang mga dayuhang naninirahan sa lugar moʼy kinikikilan, at ang mga biyuda at mga ulila ay hindi tinatrato nang mabuti.
8Hindi mo iginagalang ang mga bagay na itinuturing kong banal, pati ang Araw ng Pamamahinga na ipinatutupad ko sa iyo ay nilapastangan mo.
9May mga tao diyan na nagsisinungaling upang ipapatay ang iba. Mayroon ding kumakain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan sa sambahan sa mga bundok at gumagawa ng malalaswang gawain.
10Mayroon ding mga tao diyan na sumisiping sa asawa ng kanyang ama o sa babaeng may buwanang dalaw na itinuturing na marumi.
11Mayroon ding sumisiping sa asawa ng iba, o nilalapastangan ang manugang niyang babae, o sa kapatid niyang babae.