Ezekiel 23

Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin siya sa pagbebenta ng kanyang dangal tulad ng ginawa niya roon sa Ehipto noong kabataan niya.

Ezekiel 23:19 (UKJV) Yet she multiplied her whoredoms, in calling to remembrance the days of her youth, wherein she had played the harlot in the land of Egypt.

17Kaya dumalaw ang mga ito at sumiping sa kanya. Sa pagsiping nila sa kanya, dinungisan nila siya. Ngunit kinalaunan, nagsawa rin siya at hindi na nagpagamit sa kanila.

18“Kinasuklaman ko si Oholiba at itinakwil tulad ng kapatid niya dahil patuloy niyang ipinagbibili ang kanyang dangal.

19Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin siya sa pagbebenta ng kanyang dangal tulad ng ginawa niya roon sa Ehipto noong kabataan niya.

20Nahumaling siya sa mga kalaguyo niya, na ang mga ari ay kasinlalaki ng sa asno at ang binhi ay kasindami ng sa kabayo.

21Kaya pinanabikan mo Oholiba ang iyong mahalay na gawain na ginawa mo sa Ehipto noong kabataan mo, nang ang mga lalaki roon ay nagpasasa sa katawan mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.