Ezekiel 23

Kaya dumalaw ang mga ito at sumiping sa kanya. Sa pagsiping nila sa kanya, dinungisan nila siya. Ngunit kinalaunan, nagsawa rin siya at hindi na nagpagamit sa kanila.

Ezekiel 23:17 (UKJV) And the Babylonians came to her into the bed of love, and they defiled her with their whoredom, and she was polluted with them, and her mind was alienated from them.

15Nakapulang uniporme sila, may sinturon sa baywang at nakaturban. Lahat silaʼy tulad ng mga taga-Babilonia na nakakarwahe, mga lahi ng Caldeo.

16Nang makita niya sila, nagustuhan niya sila, at nagsugo siya ng mga mensahero upang imbitahan niya ang mga ito na bumisita sa kanya sa Caldeo.

17Kaya dumalaw ang mga ito at sumiping sa kanya. Sa pagsiping nila sa kanya, dinungisan nila siya. Ngunit kinalaunan, nagsawa rin siya at hindi na nagpagamit sa kanila.

18“Kinasuklaman ko si Oholiba at itinakwil tulad ng kapatid niya dahil patuloy niyang ipinagbibili ang kanyang dangal.

19Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin siya sa pagbebenta ng kanyang dangal tulad ng ginawa niya roon sa Ehipto noong kabataan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.