Ezekiel 23

Nang makita niya sila, nagustuhan niya sila, at nagsugo siya ng mga mensahero upang imbitahan niya ang mga ito na bumisita sa kanya sa Caldeo.

Ezekiel 23:16 (UKJV) And as soon as she saw them with her eyes, she doted upon them, and sent messengers unto them into Chaldea.

14“Patuloy na nagbenta ng kanyang dangal si Oholiba. Nagkagusto siya sa mga opisyal ng Babilonia nang makita niya ang mga larawan ng mga ito sa mga pader.

15Nakapulang uniporme sila, may sinturon sa baywang at nakaturban. Lahat silaʼy tulad ng mga taga-Babilonia na nakakarwahe, mga lahi ng Caldeo.

16Nang makita niya sila, nagustuhan niya sila, at nagsugo siya ng mga mensahero upang imbitahan niya ang mga ito na bumisita sa kanya sa Caldeo.

17Kaya dumalaw ang mga ito at sumiping sa kanya. Sa pagsiping nila sa kanya, dinungisan nila siya. Ngunit kinalaunan, nagsawa rin siya at hindi na nagpagamit sa kanila.

18“Kinasuklaman ko si Oholiba at itinakwil tulad ng kapatid niya dahil patuloy niyang ipinagbibili ang kanyang dangal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.