Ezekiel 23

Nakapulang uniporme sila, may sinturon sa baywang at nakaturban. Lahat silaʼy tulad ng mga taga-Babilonia na nakakarwahe, mga lahi ng Caldeo.

Ezekiel 23:15 (UKJV) Girded with girdles upon their loins, exceeding in dyed attire upon their heads, all of them princes to look to, after the manner of the Babylonians of Chaldea, the land of their nativity:

13Nakita kong katulad din siya ng kapatid niya. Dinungisan din niya ang kanyang sarili.

14“Patuloy na nagbenta ng kanyang dangal si Oholiba. Nagkagusto siya sa mga opisyal ng Babilonia nang makita niya ang mga larawan ng mga ito sa mga pader.

15Nakapulang uniporme sila, may sinturon sa baywang at nakaturban. Lahat silaʼy tulad ng mga taga-Babilonia na nakakarwahe, mga lahi ng Caldeo.

16Nang makita niya sila, nagustuhan niya sila, at nagsugo siya ng mga mensahero upang imbitahan niya ang mga ito na bumisita sa kanya sa Caldeo.

17Kaya dumalaw ang mga ito at sumiping sa kanya. Sa pagsiping nila sa kanya, dinungisan nila siya. Ngunit kinalaunan, nagsawa rin siya at hindi na nagpagamit sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.