36Muling sinabi sa akin ng Panginoon: “Anak ng tao, hatulan mo sina Ohola at Oholiba. Ipamukha mo sa kanila ang kasuklam-suklam nilang gawain.
37Sapagkat nakiapid sila at pumatay. Nakikiapid sila sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. At ang mga anak nila na itinalaga sa akin nang isilang ay siya mismong inialay nila sa mga diyos-diyosan bilang pagkain nito.
38Ito pa ang ginawa nila sa akin: Nilapastangan nila ang Araw ng Pamamahinga at ang aking Templo. Nilapastangan nila ang Templo ko sa pamamagitan ng paghahandog ng mga anak nila sa kanilang mga diyos-diyosan.
40“Nagsugo sila ng mga mensahero para sa mga lalaki mula sa malalayong lugar. At nang dumating ang mga lalaki, naligo sila, nagpaganda at nagsuot ng mga alahas.