Ezekiel 23

Sapagkat nakiapid sila at pumatay. Nakikiapid sila sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. At ang mga anak nila na itinalaga sa akin nang isilang ay siya mismong inialay nila sa mga diyos-diyosan bilang pagkain nito.

Ezekiel 23:37 (UKJV) That they have committed adultery, and blood is in their hands, and with their idols have they committed adultery, and have also caused their sons, whom they bare unto me, to pass for them through the fire, to devour them.

35“Kaya ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: At dahil kinalimutan mo akoʼt itinakwil, maghihirap ka dahil sa kahalayan mo at sa pagpapagamit mo ng iyong katawan.”

36Muling sinabi sa akin ng Panginoon: “Anak ng tao, hatulan mo sina Ohola at Oholiba. Ipamukha mo sa kanila ang kasuklam-suklam nilang gawain.

37Sapagkat nakiapid sila at pumatay. Nakikiapid sila sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. At ang mga anak nila na itinalaga sa akin nang isilang ay siya mismong inialay nila sa mga diyos-diyosan bilang pagkain nito.

38Ito pa ang ginawa nila sa akin: Nilapastangan nila ang Araw ng Pamamahinga at ang aking Templo. Nilapastangan nila ang Templo ko sa pamamagitan ng paghahandog ng mga anak nila sa kanilang mga diyos-diyosan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.