Ezekiel 23

“Kaya ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: At dahil kinalimutan mo akoʼt itinakwil, maghihirap ka dahil sa kahalayan mo at sa pagpapagamit mo ng iyong katawan.”

Ezekiel 23:35 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Because you have forgotten me, and cast me behind your back, therefore bear you also your lewdness and your whoredoms.

33Malalasing kaʼt malulungkot dahil ang tasang itoʼy puno ng kapahamakan. Ito ang tasa ng paghihirap na ininom ng kapatid mong Samaria.

34Iinumin mong lahat ang laman nito at babasagin mo ang tasa. Dadagukan mo ang iyong dibdib sa labis na kalungkutan. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

35“Kaya ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: At dahil kinalimutan mo akoʼt itinakwil, maghihirap ka dahil sa kahalayan mo at sa pagpapagamit mo ng iyong katawan.”

36Muling sinabi sa akin ng Panginoon: “Anak ng tao, hatulan mo sina Ohola at Oholiba. Ipamukha mo sa kanila ang kasuklam-suklam nilang gawain.

37Sapagkat nakiapid sila at pumatay. Nakikiapid sila sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. At ang mga anak nila na itinalaga sa akin nang isilang ay siya mismong inialay nila sa mga diyos-diyosan bilang pagkain nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.