44At iyon nga ang ginawa nila. Sumiping sila kay Ohola at Oholiba, ang mga babaeng marumi dahil sa kanilang kahalayan.
45Ngunit parurusahan sila ng mga taong matuwid, parusang nararapat sa kanilang pakikiapid at pagpatay.
46“Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dalhin mo ang mga taong sasalakay sa kanila para takutin sila, sasamsamin ang kanilang mga ari-arian,
47batuhin at patayin sa pamamagitan ng espada. Papatayin ng mga ito pati ang mga anak nila at susunugin pati ang kanilang mga bahay.
48“Sa ganitong paraan, mapapatigil ko ang kahalayan ng bansang ito. At magsisilbi itong babala sa iba na hindi nila dapat tularan ang ginawa ng dalawang babaeng ito.