Ezekiel 23

“Sa ganitong paraan, mapapatigil ko ang kahalayan ng bansang ito. At magsisilbi itong babala sa iba na hindi nila dapat tularan ang ginawa ng dalawang babaeng ito.

Ezekiel 23:48 (UKJV) Thus will I cause lewdness to cease out of the land, that all women may be taught not to do after your lewdness.

46“Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dalhin mo ang mga taong sasalakay sa kanila para takutin sila, sasamsamin ang kanilang mga ari-arian,

47batuhin at patayin sa pamamagitan ng espada. Papatayin ng mga ito pati ang mga anak nila at susunugin pati ang kanilang mga bahay.

48“Sa ganitong paraan, mapapatigil ko ang kahalayan ng bansang ito. At magsisilbi itong babala sa iba na hindi nila dapat tularan ang ginawa ng dalawang babaeng ito.

49At kayong magkapatid, pagdudusahan ninyo ang ginawa ninyong kahalayan, pati na ang kasalanang pagsamba ninyo sa mga diyos-diyosan, at malalaman ninyo na ako, ang Makapangyarihang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.