11Pagkatapos, ipatong ninyo ang kalderong wala nang laman sa mga baga hanggang sa magbaga rin ito. At sa ganitong paraan, malulusaw ang mga dumi nito at masusunog pati ang mga kalawang.
12Ngunit kahit ganito ang gawin mo, hindi pa rin maaalis ng apoy ang kalawang.
13“ ‘O Jerusalem, ang kahalayan mo ang dumungis sa iyo. Pinagsikapan kong linisin ka, ngunit ayaw mong magpalinis. Kaya mananatili kang marumi hanggaʼt hindi ko naibubuhos ang matinding galit ko sa iyo.
14“ ‘Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing, dumating na ang panahon ng aking pagpaparusa at walang makapipigil sa akin. Hindi na kita kahahabagan at hindi na magbabago ang isip ko. Hahatulan kita ayon sa iyong pamumuhay at mga ginawa, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.’ ”
15Sinabi sa akin ng Panginoon: