Ezekiel 24

“ ‘Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing, dumating na ang panahon ng aking pagpaparusa at walang makapipigil sa akin. Hindi na kita kahahabagan at hindi na magbabago ang isip ko. Hahatulan kita ayon sa iyong pamumuhay at mga ginawa, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.’ ”

Ezekiel 24:14 (UKJV) I the LORD have spoken it: it shall come to pass, and I will do it; I will not go back, neither will I spare, neither will I repent; according to your ways, and according to your doings, shall they judge you, says the Lord GOD.

12Ngunit kahit ganito ang gawin mo, hindi pa rin maaalis ng apoy ang kalawang.

13“ ‘O Jerusalem, ang kahalayan mo ang dumungis sa iyo. Pinagsikapan kong linisin ka, ngunit ayaw mong magpalinis. Kaya mananatili kang marumi hanggaʼt hindi ko naibubuhos ang matinding galit ko sa iyo.

14“ ‘Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing, dumating na ang panahon ng aking pagpaparusa at walang makapipigil sa akin. Hindi na kita kahahabagan at hindi na magbabago ang isip ko. Hahatulan kita ayon sa iyong pamumuhay at mga ginawa, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.’ ”

15Sinabi sa akin ng Panginoon:

16“Anak ng tao, sa isang iglap ng salot ay kukunin ko ang babaeng pinakamamahal mo. Ngunit huwag mo siyang ipagluluksa ni iiyakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.