Ezekiel 24

“ ‘Kaya ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Kahabag-habag ang lungsod ng Jerusalem na ang mga mamamayan ay mamamatay-tao. Mag-iipon ako ng mga panggatong upang silaʼy sunugin.

Ezekiel 24:9 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Woe to the bloody city! I will even make the pile for fire great.

7“ ‘Sapagkat ang pagpatay niya ay alam ng lahat: Ang dugo ng mga taong pinatay niya ay hinayaan niyang dumanak sa ibabaw ng mga bato at itoʼy nakikita ng lahat. Hindi niya ito tinabunan ng lupa.

8Nakita ko iyon at hinayaan kong makita iyon ng lahat. Ang dugong iyon ay parang sumisigaw sa akin na ipaghiganti ko sila.

9“ ‘Kaya ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Kahabag-habag ang lungsod ng Jerusalem na ang mga mamamayan ay mamamatay-tao. Mag-iipon ako ng mga panggatong upang silaʼy sunugin.

10Sige, dagdagan pa ninyo ang panggatong at sindihan nang mag-apoy. Pakuluan ninyo ang karne at lagyan ng pampalasa ang sabaw at pagkatapos ay sunugin ang mga buto.

11Pagkatapos, ipatong ninyo ang kalderong wala nang laman sa mga baga hanggang sa magbaga rin ito. At sa ganitong paraan, malulusaw ang mga dumi nito at masusunog pati ang mga kalawang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.