8Nakita ko iyon at hinayaan kong makita iyon ng lahat. Ang dugong iyon ay parang sumisigaw sa akin na ipaghiganti ko sila.
9“ ‘Kaya ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Kahabag-habag ang lungsod ng Jerusalem na ang mga mamamayan ay mamamatay-tao. Mag-iipon ako ng mga panggatong upang silaʼy sunugin.
10Sige, dagdagan pa ninyo ang panggatong at sindihan nang mag-apoy. Pakuluan ninyo ang karne at lagyan ng pampalasa ang sabaw at pagkatapos ay sunugin ang mga buto.
11Pagkatapos, ipatong ninyo ang kalderong wala nang laman sa mga baga hanggang sa magbaga rin ito. At sa ganitong paraan, malulusaw ang mga dumi nito at masusunog pati ang mga kalawang.
12Ngunit kahit ganito ang gawin mo, hindi pa rin maaalis ng apoy ang kalawang.