13Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing, parurusahan ko ang Edom. Papatayin ko ang mga mamamayan at mga hayop niya. Gagawin ko itong tiwangwang, mula sa Teman hanggang sa Dedan. Mamamatay ang mga mamamayan nito sa digmaan.
14Maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng mga mamamayan kong Israelita. Parurusahan nila ang mga taga-Edom ayon sa matinding galit ko sa kanila, at malalaman ng mga taga-Edom kung paano ako maghiganti, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”
15Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Nagplano ang mga Filisteo na paghigantihan ang Juda dahil sa matagal na nilang alitan.
16Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing, parurusahan ko ang mga Filisteo. Papatayin ko ang mga Kereteo pati ang mga nakatira sa tabing-dagat.
17Sa aking galit, maghihiganti ako at parurusahan ko sila. At kapag nakapaghiganti na ako sa kanila, malalaman nilang ako ang Panginoon.”