Ezekiel 25

Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing, parurusahan ko ang mga Filisteo. Papatayin ko ang mga Kereteo pati ang mga nakatira sa tabing-dagat.

Ezekiel 25:16 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Behold, I will stretch out mine hand upon the Philistines, and I will cut off the Cherethims, and destroy the remnant of the sea coast.

14Maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng mga mamamayan kong Israelita. Parurusahan nila ang mga taga-Edom ayon sa matinding galit ko sa kanila, at malalaman ng mga taga-Edom kung paano ako maghiganti, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

15Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Nagplano ang mga Filisteo na paghigantihan ang Juda dahil sa matagal na nilang alitan.

16Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing, parurusahan ko ang mga Filisteo. Papatayin ko ang mga Kereteo pati ang mga nakatira sa tabing-dagat.

17Sa aking galit, maghihiganti ako at parurusahan ko sila. At kapag nakapaghiganti na ako sa kanila, malalaman nilang ako ang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.