1Sinabi sa akin ng Panginoon,
2“Anak ng tao, humarap ka sa lugar ng Amon at sabihin mo ito laban sa kanya.
3Sabihin mo sa kanyang mga mamamayan na makinig sa akin, dahil ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: ‘Dahil natuwa kayo nang lapastanganin ang aking Templo, nang wasakin ang Israel at bihagin ang mga taga-Juda,
4ipapasakop ko kayo sa mga tao sa silangan at magiging pagmamay-ari nila kayo. Magkakampo sila sa inyo, at kakainin nila ang inyong mga prutas at iinumin ang inyong gatas.