Ezekiel 25

Sabihin mo sa kanyang mga mamamayan na makinig sa akin, dahil ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: ‘Dahil natuwa kayo nang lapastanganin ang aking Templo, nang wasakin ang Israel at bihagin ang mga taga-Juda,

Ezekiel 25:3 (UKJV) And say unto the Ammonites, Hear the word of the Lord GOD; Thus says the Lord GOD; Because you said, Aha, against my sanctuary, when it was profaned; and against the land of Israel, when it was desolate; and against the house of Judah, when they went into captivity;

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, humarap ka sa lugar ng Amon at sabihin mo ito laban sa kanya.

3Sabihin mo sa kanyang mga mamamayan na makinig sa akin, dahil ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: ‘Dahil natuwa kayo nang lapastanganin ang aking Templo, nang wasakin ang Israel at bihagin ang mga taga-Juda,

4ipapasakop ko kayo sa mga tao sa silangan at magiging pagmamay-ari nila kayo. Magkakampo sila sa inyo, at kakainin nila ang inyong mga prutas at iinumin ang inyong gatas.

5Gagawin kong pastulan ng mga kamelyo ang lungsod ng Rabba, at ang buong Amon ay gagawin kong pastulan ng mga tupa. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.