Ezekiel 26

“Anak ng tao, natuwa ang mga taga-Tiro nang mawasak ang Jerusalem. Ang sabi nila, ‘Nawasak na ang pangunahing pinupuntahan ng mga mangangalakal kaya dito na sila pupunta sa atin at tayo naman ang uunlad.’

Ezekiel 26:2 (UKJV) Son of man, because that Tyrus has said against Jerusalem, Aha, she is broken that was the gates of the people: she is turned unto me: I shall be replenished, now she is laid waste:

1Noong unang araw ng buwan, nang ikalabing-isang taon ng aming pagkabihag, sinabi ng Panginoon sa akin,

2“Anak ng tao, natuwa ang mga taga-Tiro nang mawasak ang Jerusalem. Ang sabi nila, ‘Nawasak na ang pangunahing pinupuntahan ng mga mangangalakal kaya dito na sila pupunta sa atin at tayo naman ang uunlad.’

3Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing kakalabanin ko ang Tiro. Ipasasalakay ko sila sa maraming bansa, darating ang mga ito na parang rumaragasang alon.

4Gigibain ang mga pader niya at wawasakin ang kanyang mga tore. Kakalkalin nila ang lupain niya hanggang sa walang matira kundi mga bato.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.