2“Anak ng tao, natuwa ang mga taga-Tiro nang mawasak ang Jerusalem. Ang sabi nila, ‘Nawasak na ang pangunahing pinupuntahan ng mga mangangalakal kaya dito na sila pupunta sa atin at tayo naman ang uunlad.’
3Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing kakalabanin ko ang Tiro. Ipasasalakay ko sila sa maraming bansa, darating ang mga ito na parang rumaragasang alon.
4Gigibain ang mga pader niya at wawasakin ang kanyang mga tore. Kakalkalin nila ang lupain niya hanggang sa walang matira kundi mga bato.
5At magiging bilaran na lang ito ng mga lambat ng mangingisda. Mangyayari ito dahil ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito. Ipauubaya ko ang Tiro sa ibang mga bansa at sasamsamin nila ang mga ari-arian niya.
6Ang mga mamamayan niya sa mga bukid ay papatayin sa pamamagitan ng espada, at malalaman nilang ako ang Panginoon.”