Ezekiel 26

At magiging bilaran na lang ito ng mga lambat ng mangingisda. Mangyayari ito dahil ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito. Ipauubaya ko ang Tiro sa ibang mga bansa at sasamsamin nila ang mga ari-arian niya.

Ezekiel 26:5 (UKJV) It shall be a place for the spreading of nets in the midst of the sea: for I have spoken it, says the Lord GOD: and it shall become a spoil to the nations.

3Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing kakalabanin ko ang Tiro. Ipasasalakay ko sila sa maraming bansa, darating ang mga ito na parang rumaragasang alon.

4Gigibain ang mga pader niya at wawasakin ang kanyang mga tore. Kakalkalin nila ang lupain niya hanggang sa walang matira kundi mga bato.

5At magiging bilaran na lang ito ng mga lambat ng mangingisda. Mangyayari ito dahil ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito. Ipauubaya ko ang Tiro sa ibang mga bansa at sasamsamin nila ang mga ari-arian niya.

6Ang mga mamamayan niya sa mga bukid ay papatayin sa pamamagitan ng espada, at malalaman nilang ako ang Panginoon.”

7Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, “Mga taga-Tiro, ipasasalakay ko kayo sa hari ng mga hari, kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Sasalakay siya mula sa hilaga kasama ang maraming sundalo, mga karwahe, mga kabayo at mga mangangabayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.