Ezekiel 27

“ ‘Nakipagkalakalan din ang Damasco sa iyo dahil sa napakarami mong kayamanan at produkto. At ang ibinayad nila sa iyo ay alak mula sa Helbon at puting telang lana mula sa Zahar.

Ezekiel 27:18 (UKJV) Damascus was your merchant in the multitude of the wares of your making, for the multitude of all riches; in the wine of Helbon, and white wool.

16“ ‘Nakipagkalakalan din sa iyo ang Siria dahil sa marami kang produkto. At ang ibinayad nila sa iyo ay batong turkois, telang kulay ube, pinong lino, mga binurdahang tela, mga koral at batong rubi.

17“ ‘Nakipagkalakalan din ang Juda at Israel at ang ibinayad nila sa iyo ay trigo mula sa Minit, igos, pulot, langis, at gamot na ipinapahid.

18“ ‘Nakipagkalakalan din ang Damasco sa iyo dahil sa napakarami mong kayamanan at produkto. At ang ibinayad nila sa iyo ay alak mula sa Helbon at puting telang lana mula sa Zahar.

19Nakipagkalakalan din ang mga taga-Dan at taga-Javan na mula sa Uzal at ang ibinayad nila sa iyo ay mga bakal at mga sangkap.

20“ ‘Ang ibinayad naman sa iyo ng mga taga-Dedan ay mga telang pangsapin sa likuran ng mga sinasakyang hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.