Ezekiel 27

Ang mga barko ng Tarsis ang nagdadala ng iyong mga produkto. Ikaʼy punong-puno ng kargamento habang naglalakbay sa karagatan.

Ezekiel 27:25 (UKJV) The ships of Tarshish did sing of you in your market: and you were replenished, and made very glorious in the midst of the seas.

23“ ‘Nakipagkalakalan din sa iyo ang mga taga-Haran, Cane, Eden at Sheba, maging ang mga mangangalakal ng Asur at Kilmad.

24At ang ibinayad nila sa iyo ay mga mamahaling damit, mga asul na tela, mga telang may burda at mga karpet na maayos ang pagkakatahi na may ibaʼt ibang kulay.

25Ang mga barko ng Tarsis ang nagdadala ng iyong mga produkto. Ikaʼy punong-puno ng kargamento habang naglalakbay sa karagatan.

26Ngunit dadalhin ka ng mga tagasagwan mo sa gitna ng karagatan, at wawasakin ka ng malakas na hangin mula sa silangan.

27Ang iyong mga kayamanan at produkto, mga tripulante, tagasagwan at mga karpintero, maging ang mga mangangalakal at lahat ng sundalo, at lahat ng nakasakay sa iyo ay lulubog sa gitna ng laot sa oras na ikaʼy mawasak at lumubog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.