Ezekiel 27

Ngunit dadalhin ka ng mga tagasagwan mo sa gitna ng karagatan, at wawasakin ka ng malakas na hangin mula sa silangan.

Ezekiel 27:26 (UKJV) Your rowers have brought you into great waters: the east wind has broken you in the midst of the seas.

24At ang ibinayad nila sa iyo ay mga mamahaling damit, mga asul na tela, mga telang may burda at mga karpet na maayos ang pagkakatahi na may ibaʼt ibang kulay.

25Ang mga barko ng Tarsis ang nagdadala ng iyong mga produkto. Ikaʼy punong-puno ng kargamento habang naglalakbay sa karagatan.

26Ngunit dadalhin ka ng mga tagasagwan mo sa gitna ng karagatan, at wawasakin ka ng malakas na hangin mula sa silangan.

27Ang iyong mga kayamanan at produkto, mga tripulante, tagasagwan at mga karpintero, maging ang mga mangangalakal at lahat ng sundalo, at lahat ng nakasakay sa iyo ay lulubog sa gitna ng laot sa oras na ikaʼy mawasak at lumubog.

28Manginginig sa takot ang mga nakatira sa tabing-dagat kapag narinig nila ang sigawan ng iyong mga mandaragat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.