Ezekiel 27

Manginginig sa takot ang mga nakatira sa tabing-dagat kapag narinig nila ang sigawan ng iyong mga mandaragat.

Ezekiel 27:28 (UKJV) The suburbs shall shake at the sound of the cry of your pilots.

26Ngunit dadalhin ka ng mga tagasagwan mo sa gitna ng karagatan, at wawasakin ka ng malakas na hangin mula sa silangan.

27Ang iyong mga kayamanan at produkto, mga tripulante, tagasagwan at mga karpintero, maging ang mga mangangalakal at lahat ng sundalo, at lahat ng nakasakay sa iyo ay lulubog sa gitna ng laot sa oras na ikaʼy mawasak at lumubog.

28Manginginig sa takot ang mga nakatira sa tabing-dagat kapag narinig nila ang sigawan ng iyong mga mandaragat.

29Iiwan ng mga tagasagwan, mga tripulante at mga opisyal ng barko ang kanilang mga sasakyan at tatayo sa dalampasigan.

30Iiyak sila ng buong pait, maglalagay ng alikabok sa ulo at gugulong sa abo upang ipakita ang kanilang pagdadalamhati.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.