28Manginginig sa takot ang mga nakatira sa tabing-dagat kapag narinig nila ang sigawan ng iyong mga mandaragat.
29Iiwan ng mga tagasagwan, mga tripulante at mga opisyal ng barko ang kanilang mga sasakyan at tatayo sa dalampasigan.
30Iiyak sila ng buong pait, maglalagay ng alikabok sa ulo at gugulong sa abo upang ipakita ang kanilang pagdadalamhati.
31Magpapakalbo sila at magdadamit ng sako habang umiiyak sa labis na kapighatian
32Sa pagdadalamhati at pagluluksa nila sa iyo, ang panaghoy nila ay ganito: O Tiro, may iba pa bang tulad mo na lumubog sa gitna ng karagatan?