Ezekiel 27

Sa pagdadalamhati at pagluluksa nila sa iyo, ang panaghoy nila ay ganito: O Tiro, may iba pa bang tulad mo na lumubog sa gitna ng karagatan?

Ezekiel 27:32 (UKJV) And in their wailing they shall take up a lamentation for you, and lament over you, saying, What city is like Tyrus, like the destroyed in the midst of the sea?

30Iiyak sila ng buong pait, maglalagay ng alikabok sa ulo at gugulong sa abo upang ipakita ang kanilang pagdadalamhati.

31Magpapakalbo sila at magdadamit ng sako habang umiiyak sa labis na kapighatian

32Sa pagdadalamhati at pagluluksa nila sa iyo, ang panaghoy nila ay ganito: O Tiro, may iba pa bang tulad mo na lumubog sa gitna ng karagatan?

33Naglayag kang dala ang mga kalakal mo at maraming bansa ang natuwa sa iyong napakaraming kayamanan. Pinayaman mo ang mga hari sa mundo sa pamamagitan ng iyong mga produkto.

34Ngunit ngayon, wasak ka na at lumubog na sa gitna ng karagatan, pati ang iyong mga kalakal at mga tripulante.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.