Ezekiel 27

Naglayag kang dala ang mga kalakal mo at maraming bansa ang natuwa sa iyong napakaraming kayamanan. Pinayaman mo ang mga hari sa mundo sa pamamagitan ng iyong mga produkto.

Ezekiel 27:33 (UKJV) When your wares went forth out of the seas, you filled many people; you did enrich the kings of the earth with the multitude of your riches and of your merchandise.

31Magpapakalbo sila at magdadamit ng sako habang umiiyak sa labis na kapighatian

32Sa pagdadalamhati at pagluluksa nila sa iyo, ang panaghoy nila ay ganito: O Tiro, may iba pa bang tulad mo na lumubog sa gitna ng karagatan?

33Naglayag kang dala ang mga kalakal mo at maraming bansa ang natuwa sa iyong napakaraming kayamanan. Pinayaman mo ang mga hari sa mundo sa pamamagitan ng iyong mga produkto.

34Ngunit ngayon, wasak ka na at lumubog na sa gitna ng karagatan, pati ang iyong mga kalakal at mga tripulante.

35Ang lahat ng nakatira sa mga tabing-dagat ay nagulat sa nangyari sa iyo. Natakot ang mga hari nila at kitang-kita ito sa kanilang mga mukha.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.