Ezekiel 27

Magpapakalbo sila at magdadamit ng sako habang umiiyak sa labis na kapighatian

Ezekiel 27:31 (UKJV) And they shall make themselves utterly bald for you, and gird them with sackcloth, and they shall weep for you with bitterness of heart and bitter wailing.

29Iiwan ng mga tagasagwan, mga tripulante at mga opisyal ng barko ang kanilang mga sasakyan at tatayo sa dalampasigan.

30Iiyak sila ng buong pait, maglalagay ng alikabok sa ulo at gugulong sa abo upang ipakita ang kanilang pagdadalamhati.

31Magpapakalbo sila at magdadamit ng sako habang umiiyak sa labis na kapighatian

32Sa pagdadalamhati at pagluluksa nila sa iyo, ang panaghoy nila ay ganito: O Tiro, may iba pa bang tulad mo na lumubog sa gitna ng karagatan?

33Naglayag kang dala ang mga kalakal mo at maraming bansa ang natuwa sa iyong napakaraming kayamanan. Pinayaman mo ang mga hari sa mundo sa pamamagitan ng iyong mga produkto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.