1Sinabi sa akin ng Panginoon,
2“Anak ng tao, managhoy ka para sa Tiro,
3ang lungsod na daungan ng mga barko na sentro ng kalakalan ng mga taong nakatira malapit sa dagat. Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi: ‘Ipinagmamalaki mo Tiro, ang iyong kagandahan at sinasabi mong wala kang kapintasan.
4Pinalawak mo ang nasasakupan mo sa karagatan. Talagang pinaganda ka ng mga nagtayo sa iyo.
5Tulad ka ng isang malaking barko na gawa sa tablang abeto mula sa Senir. Ang palo moʼy gawa sa kahoy na sedro mula sa Lebanon.