Ezekiel 28

“ ‘Kaya sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dahil ang tingin mo sa sarili ay matalino tulad ng diyos,

Ezekiel 28:6 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Because you have set yours heart as the heart of God;

4Sa pamamagitan ng iyong karunungan at pang-unawa ay yumaman ka, at nakapag-imbak ng mga ginto at pilak sa iyong kaban ng kayamanan.

5Dahil mahusay ka sa pangangalakal, lalo pang nadagdagan ang iyong kayamanan at dahil ditoʼy naging mapagmataas ka.

6“ ‘Kaya sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dahil ang tingin mo sa sarili ay matalino tulad ng diyos,

7ipapalusob kita sa mga dayuhan, sa pinakamalulupit na bansa. Lalabanan ka nila at sisirain ang iyong ganda at karunungan. At mawawala ang karangalan mo.

8Masaklap ang magiging kamatayan mo, at ihahagis ka nila sa kailaliman ng karagatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.