Ezekiel 29

“ ‘Ngunit sinabi rin ng Makapangyarihang Panginoon: Pagkalipas ng apatnapung taon, titipunin ko ang mga taga-Ehipto mula sa mga bansang pinangalatan nila.

Ezekiel 29:13 (UKJV) Yet thus says the Lord GOD; At the end of forty years will I gather the Egyptians from the people where they were scattered:

11Walang tao o hayop na dadaan o titira man doon sa loob ng apatnapung taon.

12Gagawin kong tiwangwang na lugar ang Ehipto sa lahat ng bansa. Ang mga lungsod niya ay magiging pinakamalungkot sa lahat ng lungsod sa loob ng apatnapung taon. At ikakalat ko ang mga taga-Ehipto sa ibaʼt ibang bansa.

13“ ‘Ngunit sinabi rin ng Makapangyarihang Panginoon: Pagkalipas ng apatnapung taon, titipunin ko ang mga taga-Ehipto mula sa mga bansang pinangalatan nila.

14Muli ko silang ibabalik sa Patros sa gawing timog ng Ehipto na siyang lupain ng kanilang mga ninuno. Ngunit magiging mahinang kaharian lang sila.

15Sila ang magiging pinakamahina sa lahat ng kaharian at kahit kailan ay hindi na sila makakahigit sa ibang bansa dahil gagawin ko silang pinakamahinang kaharian. At hindi na sila makakapanakop ng ibang bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.