Ezekiel 3

At narinig ko rin ang pagaspas ng mga pakpak ng apat na buháy na nilalang at ang ingay ng mga gulong na parang ingay ng malakas na lindol.

Ezekiel 3:13 (UKJV) I heard also the noise of the wings of the living creatures that touched one another, and the noise of the wheels opposite to them, and a noise of a great rushing.

11Puntahan mo ang iyong mga kababayang kasama mong binihag at sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang mensahe ng Makapangyarihang Panginoon,’ makinig man sila o hindi, sabihin mo ang ipinasasabi ko.”

12Pagkatapos, binuhat ako ng Espiritu at may narinig akong tinig na dumadagundong sa likuran ko na nagsasabi, “Purihin ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa langit.”

13At narinig ko rin ang pagaspas ng mga pakpak ng apat na buháy na nilalang at ang ingay ng mga gulong na parang ingay ng malakas na lindol.

14Binuhat ako ng Espiritu at dinala sa malayo. Masamang-masama ang loob ko at galit na galit, pero tinulungan akong magtimpi ng Panginoon.

15Nakarating ako sa Tel Abib, sa tabi ng Ilog ng Kebar, sa tinitirhan ng mga bihag. Nanatili ako roon sa loob ng pitong araw. Nabigla ako sa mga bagay na nakita ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.