Ezekiel 3

Gagawin kitang pipi upang hindi mo mapagsabihan ang mga rebeldeng mamamayang ito.

Ezekiel 3:26 (UKJV) And I will make your tongue cleave to the roof of your mouth, that you shall be dumb, and shall not be to them a reprover: for they are a rebellious house.

24Pagkatapos, pinuspos ako ng Espiritu, pinatayo at sinabihan, “Umuwi ka at magkulong sa bahay mo!

25At ikaw, anak ng tao, ay gagapusin doon ng lubid upang hindi mo makasama ang mga kababayan mo.

26Gagawin kitang pipi upang hindi mo mapagsabihan ang mga rebeldeng mamamayang ito.

27Ngunit sa oras na kausapin kita, makakapagsalita kang muli. At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang mensahe ng Makapangyarihang Panginoon.’ May mga makikinig sa iyo ngunit mayroon ding hindi makikinig dahil mga rebelde silang mamamayan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.