Ezekiel 3

Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, puntahan mo ang mga mamamayan ng Israel at sabihin mo sa kanila ang ipinasasabi ko sa iyo.

Ezekiel 3:4 (UKJV) And he said unto me, Son of man, go, get you unto the house of Israel, and speak with my words unto them.

2Kaya ibinuka ko ang aking bibig at isinubo niya sa akin ang nakarolyong kasulatan.

3Sinabi niya sa akin, “Sige, anak ng tao, kainin mo iyan at magpakabusog ka.” Kinain ko ang nakarolyong kasulatan, matamis ang lasa nito gaya ng pulot.

4Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, puntahan mo ang mga mamamayan ng Israel at sabihin mo sa kanila ang ipinasasabi ko sa iyo.

5Hindi kita isinusugo sa mga taong iba ang wika at mahirap maintindihan, kundi sa mga mamamayan ng Israel.

6Sapagkat kung susuguin kita sa mga taong iba ang wika at mahirap maintindihan, tiyak na pakikinggan ka nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.